FlipTop Battle League: Resulta ng Ahon 15 Day 3

Matinding sagupaan ang naganap sa ikatlong araw ng Ahon 15 ng FlipTop Battle League. Narito ang mga naging resulta ng bawat laban:

R-Zone vs. ETS
🏆 Panalo: R-Zone (4-1)
Isa itong mainit na laban kung saan parehong gutom at handang-handa ang dalawang MC. Gayunpaman, tila mas pinanigan ng mga hurado ang mga anggulo ni R-Zone laban kay ETS.

Ahon 15 FlipTop Battle League Complete Results

Tulala vs. Dodong Saypa
🏆 Panalo: Dodong Saypa (5-0)
Walang mintis ang mga hirit at jokes ni Dodong Saypa, dahilan kung bakit siya nagwagi. Si Tulala naman, tulad ng inaasahan, tila lutang pa rin. Bukod pa rito, nag-choke siya sa Round 3 at ginamit na lang ang kanyang sintonadong flute bilang pangsagip. Abangan sa YouTube ang buong laban!

Meraj vs. Shaboy
🏆 Panalo: Shaboy (5-0)
Bagamat parehong hindi masyadong kumonekta sa mga manonood ang kanilang sulat, nagdala ng mas agresibong delivery si Shaboy kaya siya ang nanalo. May ginawang antic si Shaboy na may kinalaman kay Boy Tapik—abangan niyo na lang sa YouTube kung ano ito!

Karisma vs. Class G
🏆 Panalo: Karisma (5-0)
Isa itong klasikong laban ng matitinding palitan ng bara. Parehong nagpakita ng kanilang signature style, ngunit lumamang si Karisma sa pagpili ng tamang angles at references laban kay Class G.

Rapido vs. Mastafeat
🏆 Panalo: Rapido (4-1)
Gasgas na ang anggulo ni Mastafeat tungkol sa pagiging INC ni Rapido. Samantalang si Rapido, mas maraming butas na tinira laban kay Mastafeat, kaya sapat ito upang makuha niya ang panalo.

Plazma vs. Emar Industriya
🏆 Panalo: Emar Industriya (4-1)
Napuno ng malalalim na bara at sulat ang laban na ito. Makikita ang malaking improvement ni Emar Industriya—mas kitang-kita na ang kanyang sulat ay talaga para sa kalaban niya, hindi tulad noon na tila pangkalahatan.

Hazky vs. Slockone
🏆 Panalo: Hazky (5-0)
Parehong nakakatawa ang dalawa, ngunit solid sana ang laban kung hindi lang nag-choke si Slockone sa Round 3. Sayang!

Sinio vs. Poison 13
🏆 Panalo: Poison 13 (5-0)
Isa itong classic battle, ngunit mukhang hanggang Round 2 lang. Sa Round 3, tila kalahati lang ng sulat ni Sinio ang na-spit niya, dahilan kung bakit marami ang nanghinayang.

Abangan ang mga laban na ito sa opisyal na YouTube channel ng FlipTop para masaksihan ang init ng sagupaan! 🔥

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *