Talking about giving back to your elementary Alma Matter, I think it’s about time to do it.
That was my line of thinking when I accepted my former teacher’s invitation, Mr. Sotero Yabut, to be their Recognition Day’s guest speaker.
Assuming the readers are curious where Caruhatan East Elementary School (CEES) is located, the street is Ilang-Ilang which is only along Karuhatan Road in Valenzuela City. You can use Google maps to check the location.
Salamat sa aking dating paaralan, ang Caruhatan East Elementary School (CEES), sa pag-imbita sakin bilang panauhing walang dangal este pandangal para makapagbigay ng mensahe sa inyong Recognition Day. Salamat din sa pagbigay ng oportunidad na mabisita uli ang Karuhatan, Valenzuela.
Here is my speech kodigo during the event, though I added some “ad-lib” on the event itself:
“Una po sa lahat, magandang umaga, sa mahal na punung-guro kay Gng. Amelita Ayaton at sa mga naggagandahang at naggwagwapuhang guro ng Caruhatan East Elementary School. pati na rin sa mga estudyanteng naririto, mga matatalino at bibong-bibo na mga estudyante ng caruhatan east.
Alam nyo po ako po ay nagagalak na muling nakabalik sa aking sintang paaralan kung saan akoy nagtapos ng elementarya. Yung ibang guro dito kilalang kilala ko pa dahil mga hindi nagbago ang itsura, lalo na sina Sir Yabut, Ms. Frago at Ms. Verdillo, biruin mo 20 years O DALAWAMPUNG TAON na ang nakalipas maganda at gwapo pa rin sila (magkwento ng di malilimutang karanasan sa ilang guro).
Kagaya po ng nabanggit ako po ay nagtapos ng elementarya dito sa CEES noong taong dalawang-libo or year 2000 (tawag pa samin nun ay millenium batch).
Anu-ano ba yung mga di ko malilimutang turo ng mga guro dito sa CEES na naaapply ko hanggang ngayon
- Mula sa pagiging canteener, SLKP na hanggang ngayon di ko alam ang ibig sabihin, basta ang alam ko lang magbabantay kami at kami ang bahala sa seguridad ng buong paaralan which is napakalaking responsibilidad
- Tama, responsibilidad, ang maging responsable, iyan ang itinuro sakin ng paaralang ito.
- Isa rin sa ikinalinang ng aking kaisipan ay yung pag-attend sa journalism class ni Gng. Fontelo nuon kahit nasa hagdanan kami nagkaklase nuon ay rak na rak pa rin. COpyreader pa yung assigned position ko nun, sumali pa nga kami ng journalism contest nuon, ayun talo. Di ko alam kung meron pang journalism class hanggang ngayon, meron pa nga ba?
San ko nagagamit ang mga ito? Sa lahat lahat ng nabanggit ko, shempre bukod sa academics na tinuro sakin ng paaralang ito, naturuan ako maging resourceful. Kasi nga alam naman natin pag public school, salat talaga yan sa materyales sa pag-aaral, kulang na kulang talaga, kahit silid aralan na pag-aaralan ng mga estudyante.
Anong maipapayo ko sa mga batang nagkamit ng karangalan ngayon:
Inuulit ko, isang malaking congratulations, alam kong masaya ang pakiramdam na makapagkamit ng isang karangalan ngayong taon, ang masasabi ko lang sa susunod na taon mas paghusayan nyo pa lalu na sa mga nakakuha ng mga 2nd honor pababa, at sa mga athelete or artist of the year, mas husayan nyo pa para mas malaki ang oportunidad makuha yung top spot, or yung 1st honor. Sa ngayon ang dapat nyong gawin ay i-cherish nyo yan, mamaya magcelebrate kayo kasama ng inyong magulang, kasi hindi lahat ng tao, hindi lahat ng bata, nabibigyan ng ganyang karangalan, hindi lahat ng tao o bata nabibigyan ng talino at talento. Kaya paghusayan nyo pa.
Sa mga 1st honor na estudyante ngayon, mas lalo mo ring paghusayan, kasi ayan o andami mong kalaban, pero ngayon ikaw ang nasa top so i-cherish nyo yan, kasi inuulit ko hindi lahat ng tao, hindi lahat ng bata, nabibigyan ng ganyang karangalan, hindi lahat ng tao o bata nabibigyan ng talino at talento. Kaya paghusayan nyo pa.
Sa mga batang walang natanggap na karangalan ngayon, ayan bakasyon na magsaya na kayo. Pwede na kayo maglaro ng mobile legends, o kaya pubg, o kaya yung ROS. Baka naman kasi puro “edi wow” ang sinasagot nyo pag di nyo alam ang sagot sa mga tanong ng guro sa inyo. O kaya naman sa murang edad at murang kaisipan nyo palang, puro paghahanap na ng forever ang nasa isip nyo. Hoy, walang forever pag bata ka pa, ang atupagin mo yung pag-aaral mo kasi ang edukasyon lang makakapagbigay satin ng forever, forever na kaginhawaan at forever na tagumpay.
At sa mga magulang or guardian (baka kasi yung iba guardian) na nandirito na shempre proud sa kanilang mga anak, pag-igihan nyo pa yung suporta at patnubay ninyo. Kahit magagaling ang mga guro dito sa caruhatan east, wag nyo pa rin i-asa sa kanila ang lahat dahil kayo pa rin ang magulang. Hubugin ninyo sa kagandahang asal at kapag nakikita nyo ng lumalaki ang ulo ng anak nyo eh pigilan nyo na. Kasi kapag nauna na ang kayabangan bago ang gawa, duon nagsisimula ang pagkabagsak.
Bago ko tapusin ang aking talumpati, nais kong magbahagi ng isang maikling kwento tungkol sa anong mapapala ng isang estudyante kapag puro palusot lang ang alam gawin…
Isang gabi, may apat na matatalinong senior high students ang nagparty-party, nag-inuman, nagsaya, pero hindi nag-aral kahit na alam nila na may exam sila kinabukasan. NUng sumapit na ang umaga, nag-usap yung apat na estudyante na gumawa sila ng palusot at magmakaawa sila sa principal na i-postpone yung exam nila. ANg ginawa nila dinumihan nila yung mga sarili nila, nilagyan ng langis, putik, buhangin etc. at pumunta sa principal’s office. Ang sinabi nila sa principal kung bakit hindi sila makakakuha ng exam ngayon ay kasi may dinaluhan silang kasalan at nung pauwi na sila kinagabihan, naflat yung kotseng sinasakyan nila. Eh mabait naman yung principal, pinakinggan ang kanilang kwento at binigyan sila ng pagkakataon makakuha ng exam tatlong araw mula ngayon. Nagpasalamat naman yung apat na estudyante sa principal at agad na sumang-ayon sa alok nito.
Nung araw na ng exam, handang handa ang apat na estudyante kasi nga nakapag-aral silang mabuti, at kagaya ng sinabi ko kanina matatalino sila. Pumunta na sila sa prinsipal para kumuha ng exam. Pinaghiwa-hiwalay ng prinsipal ang apat na estudyante sa tig-iisang silid-aralan. Ok lang yun kasi prepared naman sila eh. At nung naibigay na yung test paper nila, nagulat sila kasi dalawang tanong lang ang bumungad sa kanila, and ang total worth ng exam ay 100 points. At ito ang mga tanong:
- Ano ang pangalan mo? (1point)
- Alin o pang-ilan gulong sa kotse nyo ang na-flat? (99 points)
Muli akoy nagpapasalamat sa CEES sa pagbibigay ng oportunidad na makapagbahagi sa inyo ng inspirational message, kahit papano, at sa mga estudyanteng nandirito, ang huling mensahe ko sa inyo, dalian nyo ng lumaki, at hihintayin ko kayo sa mundo ng mga propesyunal.
Maraming maraming salamat po!“